MAY PUWANG KA PA BA?: PAGGALUGAD SA SALOOBIN HINGGIL SA PAGGAMIT NG FILIPINO SA MGA PILING ASIGNATURA NG GEC (GENERAL EDUCATION CURICULUM)

Autor: Trinidad, Alfredo D.
Jazyk: angličtina
Rok vydání: 2023
Předmět:
DOI: 10.5281/zenodo.8031608
Popis: Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino ay nararapat lamang na malinang nang lubusan ng mga tagapagturong may sapat na kasanayan. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pagsusuring palarawan, upang malinaw na makita ang saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino sa paraan na pagpapahayag ng kanilang saloobin.Nilayon ng pag-aaral na ito na malaman ang saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng Filipino sa mga piling asignatura ng GEC (General Education Subject) kabilang dito ang GEC 5 (Purposive Communication),GEC 2 (Readings in Philippine History),GEC 1 (Understanding The Self) at GEM 14 (The Life and Works of Rizal). Sinusuri rin dito ang mga uri ng pag-uulat, mga sulatin at proyekto sa naging negatibong saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino. At bilang midyum sa mga piling asignatura, 33 o 27.50% ng mga mag-aaral ay may negatibong tugon samantalang (87 o 72.50%) karamihan ay nagsabi na kailangan, mahalaga, nakatutulong, madaling gamitin, at gamitin pa sa ibang asignatura. Ang mga respondent ay napatunayan na batid nila na ang paggamit ng Filipino ay isa sa mga wikang panturo sa mga piling asignatura sa antas tersarya at ang walang pagkakaibang saloobin ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino ay nagpapakita ng kanilang positibong pagtanggap sa Filipino ay kinakailangan sa kanilang pagkatuto. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga mag-aaral ay kailangang mabigyan ng mga kaukulang gawain kaugnay sa wika upang mapahalagahan ang kanilang saloobin at lalong magamit ang wikang Filipino bilang unang wika sa paraang pasulat at pasalita.
{"references":["Benito,J.J.,(2023) Kahandaan ng Guro sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa Antas Sekondarya, Global Scientific Journals,Volume 11, Issue 2. http://www.globalscientificjournal.com/researchpaper/Kahandaan_ng_Guro_sa_Pagtuturo_ng_Asignaturang_Filipino_sa_Antas_Sekondarya.pdf","Dayag, A. M., Del Rosario, M.G., G. (2017). Komunikasyong at pananaliksik tungo sa wika at kulturang Pilipino. Karampatang-ari 2017 ng Phoenix Publishing house, Inc. 927 Quezon Ave., Quezon city. https://stemsanjuangroup8.wordpress.com/komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pilipino/","Dominguez, D. K. (2022). Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo sa Larang ng Agrikultura. Mountain Journal of Science and Interdisciplinary Research (formerly Benguet State University Research. http://portal.bsu.edu.ph:8083/index.php/BRJ/article/view/312","Juancho,C.,(2021). Makabagong Pamamaraan sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino: Pagtataya sa Teknolohikal, Pedagohikal at Kaalamang Pangnilalaman. Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development, Vol. 9, No. 1. https://research.lpubatangas.edu.ph/wp-content/uploads/2022/02/APJMSD-2021-01-001a.pdf","Mayor-asuncion, A. M. (2015). Doon o dito, ganoon o ganito: isang paggalugad sa pananaw ng guro hinggil sa kanyang papel sa pagtuturo ng Akademikong Wikang Filipino sa antas tersyarya. Luz y Saber, 9(1&2). https://ejournals.ph/article.php?id=9805","Madula, R.,Quiore,L., (2019) Tayo na sa Wika'Skwela: Ang Papel ng Sining sa Pagkatuto ng Wikang Filipino ng mga Bata at Kabataang Pilipino sa Venezia, Italya. 12th DLSU Arts Congress,De La Salle University, Manila, Philippines. https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/arts-congress-proceedings/2019/FAC-05.pdf","Mendoza, R. J. (2008). Ang kurikulum na Filipino: Saan patutungo sa hamon ng globalisasyon?. Malay, 20(2). https://ejournals.ph/article.php?id=9312"]}
Databáze: OpenAIRE